Where my adventures are stored.
Youtube Channel: Click here.
Wander and B R E A T H E.
A little introduction of my travel blog. Definition: Miss (noun; merriam-webster) used as a title prefixed to the name of an unmarried woman or girl. And Marrabas comes from my first of three names Marra and also of the root word "Rabas", a term in Bicol, Philippines that means to go out, travel, explore.
Thursday, November 14, 2019
Thursday, November 7, 2019
I have not been consistent with my postings and videos. And I also have videos on youtube: https://www.youtube.com/channel/UC82phIGpQLyJFuaBJAflo8w). Ill find my way back, I dobnt know when and what content but I will. -thats my mantra for the past years, btw.-
Keep travelling. Keep breathing.
Monday, September 2, 2019
#WheninThailand Sept 2019 (A day to day update)
Day 1. Better things unplanned. #mahabangusapan #ifitsnotwrittenitdidnthappen #nofilternneeded This day was supposed to be a rest day since we just arrived from a long ass trip but... we tried to still go to a Mall called Central Phuket (BHT700/grab from Kamala beach) para lang maging worthy yung araw namin. And infairness, that mall was a highend kind of mall, tourists and locals wear signature brands and expensive stuff. Damn, Lucy. I cant afford it. We also found the God of Love and Relationship, na we didnt know if they get offer/donation kasi walang subtitle -we ended up giving multivitamins/tablets para naman maiba, you see, Im a nurse and “Health is wealth”. Kaya sa makakakita man ng, Calcium tablet, Fish oil, at Lactobacillus dyan sa Central mall, youre welcome. Obcurzxs, I wished also for the best love life while there, di ba? May libre din kaming Matcha latte sa Starbucks at BJ dun. Syempre ang tamis, shoot! Very fresh yung BJ nila dun mapapa-aw ka sa sarap. Hahaha.
We went to old Phuket town (BHT 200-taxi) after the Mall not knowing what to expect since we didnt really search where and what is the “Old Phuket Town”. But there, we found lots cool stuff and most likely maihahantulad ko sya sa EspaƱa area sa Manila (my opinion). And then the thing is, I also observed, kids approx around aged -14yo can drive a motorcycle and without helmets. Vehicles also cross double line and does over-taking na parang Pinas lang, mas malalakas ang loob, ni stop and go sign hindi sila nasunod. Hindi ako nakapasok sa Temple nila kasi hindi appropriate ang dress ko. Meron din silang tila Greenhills, hahah. We met students along the way, they read a Portor Festival history saamin in English-cool.
From the Old Town, we went home via Grab again (approx BHT 680) and had a good old massage infront of the Hotel. That Thai massage was BHT 250 and it was a happy ending for tonight (wag greenminded guys, ibig sabihin very funfilled day, charot!). Tomorrow is another day, so matutulog na ulit ako. (Actually, mamaya pala, typing this at 3am, hanep!)
Just FYI: weather was cloudy that day, humidity was level 99. Locals dont speak much of English so try to be patient when speaking/asking. Tip is very much appreciated by them. I got $1=28.91bht sa Airport, $1=30.00 sa Central mall and $1=30.27 sa Old town. Kop Khun Ka.
I think I’ll revive my travel guide cuz of this. Visit (http://missmarrabas.blogspot.com/?m=1)
Day 2, wait for it.
Wednesday, December 2, 2015
Travel Guide: #WhenInCalaguas
March ata this year (2015) when we went to #WheninCalaguas. Nasa kasagsagan to ng akin "monthly out-of-town or staycation (overnight sa hotel)". Natatandaan ko, it was a weekend. Usually Friday ang alis namin then ang balik ko nito sa Monday early morning or Sunday night kasi may duty sa Monday. Oh diba? Sa ngalan ni Marra-Marabas, kinaya ko.
Anyways, Friday night to, tandang tanda ko pa kasi muntik na akong hindi makasama, around 8pm yung byahe pero 7:30pm ako nakalabas ng office, gusto ko sana umuwi nun at maligo, magpalit ng outfit pero kulang sa oras kaya scrubsuit nalang yung gamit ko, without change... Ofcourse nag-super hygiene naman ako sa Jollibee restau bago sumakay ng bus.
Five kaming magkakasama, si Mac at yung Gf nyang si Jed, si Papa Ding, ako at si Abby. Si Mac at Papa Ding lang ang kilala ko, si Jed at Abby, dito ko nalang naging kakilala.
Budget: less than 5k, balikan na from Alabang-Bicol at may package deal pa.
P750 ang fare ata nun papunta ng Virac, Catanduanes tsaka 7 hours mahigit na byahe. Sulit naman. Maaga pa kami sa call time/meet up, around 4:30am ng Saturday nakarating kami sa terminal ng province then Jollibee 24/7 (tricy from terminal: P10) na kami tumambay para magpaumaga. At 7 am, may sumundo saamin na jeep papunta ng daungan ng motor boat. It was a long ride from Manila tapos nakakabagot yung byahe, yung tipong nayaya lang ako without even research kung anong meron sa Calaguas... But then Mac, our friend told us it was worth every minute. Then we believed.
Super late na, akala nga namin walang katapusan yung pag aantay hanggang sa may lumapit na isang motor boat at sinakay ang mga gamit namin, doon kami naniwala na totoo pala yun.
Dalawang oras din mahigit yung byahe namin simula daungan hanggang island, at totoo nga si Mc! ISA ITONG PARAISO. Parang nasa ibang dimensyon yung lugar, walang wala ito sa Boracay. Kung gusto nyo ng calm and environment friendly na beach, HINDING HINDI KAYO MAGKAKAMALING PUMUNTA DITO.
Mainit: given na yun. Open-air, walang mga puno-puno sa lugar na dinaungan namin, puro tent at kubo lang. Merong konting shades ng puno, pero yung malalaking branches, wal. Mapino at maputi ang bunganin na parang pwedeng gawin pang scrub sa katawan, ang tubig, oh... Ang tubig para kang nasa aquarium sa linis, green para sa medyo malalim at blue naman para sa sobrang lalim, sa may beach front, puting puti. Puro puri ang sigaw ng puso ko nung nakita ko ang lugar na yun. Habang papalapit kami, nakita ko ang tao, konti lang din, "Ah, kaya pala malinis pa kasi konti ang tao." Meron daw na naglilinis talaga sa area na yun, sana ganito lahat ng beach. Kung soul search ang hanap mo, malamang, sobrang matutukoy mo ang pakay mo dito.

Lunch na kami dumating dun, hinanda na ni Ate yung food, ang sarap, naubos namin lahat. Pang province talaga ang food namin dun. Then saka kami ng island hop. Sobrang ganda nung beach at islets na pinuntahan namin, halos lahat e napa"wow" ako. Ofcourse, alam naman nyo na medyo mababaw akong tao pero ibang klase to. After nun, sa beach na kami nag-watch ng sunset. Aba parang nasa pelikula lang kami. Yung klase ng mga artista dun na sobrang emote, yung tipong kahit titigan mo lang yung ulap, sun na nagseset at yung beach, omg! Ang engrande. Tapos nun, kumain ulit kami, masarap yung food na nakaprepare na as usual.
Napansin naming nagsisi-ilawan na yung kubo, nagcharge kami syempre para sa kinabukasan, mag-ga-gabi na kasi... Nag-guitarahan, nagbon-fire na parang nasa camping lang. Nakatulog nga kami sa may bonfire kasi sa sobrang kalmado ng lugar na yun feeling mo super safe ka sa lahat ng sulok. Naginuman sila ng konti at nagkantahan din. Hindi namin nawitness yung napakalaking moon na sinasabi ni Mc, pero sobrang ganda ng pag-takip silim nya hanggang sa nagpakita na yung bwan.
Usapan namin around 5am lalabas na kami para sa bundok-tour, kaso 5:30am na kami nag-sibangon. Haaay! Ganda ng gabi, kasing ganda ng bukang liwayway. Naghahalo na ang kulay light violet at orange habang papa-akyat na yung sun, napakagandang i-witness yun sana kaso naglalakad na kami sa likod ng beach, aakyat na kasi kami ng bundok.
Naka-pantulog lang kami nung mga oras na yun, naglagay lang ako ng sarong para hindi ako lamigin. Napakaganda ng stretch ng Calaguas. Napakarami naming kasabay na turista din doon pag-akyat. Pareho kami ng nararamdaman, amaze na amaze kami sa lugar. Galing lang ng nature natin!
After nun, nagbreakfast na kami, jusko lord, ang sarap din ng food namin. Basta busog na busog kami sa mga kinain namin. Bago kami nagprepare umuwi ay nagkayak muna kami, inikot namin yung buong stretch. Lakad-kayak-lakad. Dalawang set kasi kami, salit-salitan sa kayak at lakad. Pero sa kabilang side ng beach, lakad nalang ako, kasabay ko si Jed. Tapos yung tatlo, si Mc, papa Ding, then Abby, ayun, nasa kayak, nag-eenjoy. Ang init pa naman. Tapos nakipag-videoke pa kami sa katabi namin na kubo, mga residente ata sila dun, nakarami din kaming kanta nun. Hahaha. Sigaw sigaw, kanta kanta, hanggang sa ayun, naguwian na kami.
Nagexpect naman ako na mag-eenjoy ako dun, sino ba naman ang hindi? Pero hindi ko masyado inexpect yung ganung set-up. Basta lang naman kasi ako sumama, haha. Sabi naman kasi: All-in na, edi di na ako nagprepare ng bongga.
Sa Centro na kami naglunch, hapon na din kasi yun, masarap din yung kinainan namin na restau, tapos kung saan saan pa kami ng stop over para magpapicture. Gabi na kami bu-myahe (P750) so madaling araw na rin kami nakarating sa Alabang. After ilang oras, ayun, trabaho ulit.
Baon lang namin ay great memories kasi hindi kami bumili ng super daming souveniers. Goodvibes yung araw ko kahit pagod ako sa weekend getaway. Swerte ko!
Sana mamaintain nila ang lugar na yun kahit marami ang bumisita. Treasure yung ng Pilipinas. Maipagmamalaki ko yun. Taga-Bicol ako eh. #onlyinbikol #onlyinthephilippines
Wednesday, November 18, 2015
Travel Guide: #WhenInHongkong
Feb 2012 ata ito. Birthday ng pinsan ko, 22 years old na sya. Apat kaming mag-kakasama: dalawang 22 years old, isang 19 years old at 16 years old - menor de edad. Tama ba? Buti nalang at pinayagan ng immigration si Wrenz, kausap nila via phone call identification ang Tita at Mommy nya. First time naming apat na lumabas ng bansa. Ang tapang namin sa lagay na yan.
Dito nagsimula ang kagustuhan kong umalis ng umalis, lumipad kahit saan. Gusto ko ng ibang lugar at ibang tanawin at kakaibang experience.Totoo pala yun no? Yung sabi nila sa spark nagsisimulang magsisimulang magliyab ang apoy. Parang love lang, may spark. Chos!
Sa panahon na ito hindi pa uso ang instagram at ang hashtag. Friendster days at usona rin ang Facebook, 200+ na photo upload sa isang album, kahit sabihin mong pare-pareho ang anggulo, iupload pa namin ito.
---
Isang matinding #throwback ito kasi hindi ko na masyadong matandaan ang ibang detail.
Budget namin dito (estimate): 15,000-20,000php/each (Salamat sa mga naging sponsors namin dito)
Plane: Cebu Pacific (Meron kasing promo ito, 899php ata ang base fare nito)
Hotel: Walang hotel, dun ko din na-experience ang sinasabi nilang backpacker. (Nag-stay lang kami sa apartment ng kaibigan ng Tita namin, although may 35$HK/each/night for 2 nights)

Sinundo kami nung friend ng tita namin papunta sa apartment nila, mga 30 mins din byahe nun galing HK Airport. Ang ganda ng nadaanan namin dun, maluluwag ang daan at walang lubak, parang nasa expressway ka parati. Pagdating naman sa City maayos sila doon, may lane talaga sila na sinusunod, may bus stop sila, at natry namin na mag-antay talaga ng stop over. May coding din sila doon kung saan hihinto ang bus at saan magsasakay. Organized sila. Maganda pa ang way nila sa bus kasi hindi mo kailangan ng ticket, huhulog ka lang doon ng EXACT amount ng fare, at may double deck pa ang bus nila. Astig!
Maganda yung climate nila doon, sobrang lamig na tipong pag hinga at pagbuga mo ay may usok na lalabas sa bibig mo lalo na pag-ka-umaga at mag-gagabi na. Buti nalang nagresearch tong pinsan ko ng mga "What to wear in HK" para naman akma kami sa lugar na yun. Hindi pa saakin uso ang #OOTD noon, so ang dala ko lang 3 t-shirts, 1 jacket, 1 pants, 1 pair na pantulog, undies at 1 shoes na hiniram ko pa sa Tita ko, btw, nabanggit ko ba sainyo sa jologs ako? :)
Unang stop namin doon ay Disneyland, syempre nag-tanong-tanong kami ng direction, naghanap din kami ng map papunta dun. Ang saya lang kasi para kaming lagalag doon, kung ano-ano ang mga napupuna namin, papunta don sa Disneyland. Yung mga uso ngayon na toothpaste dispenser na nakikita sa Japan Homes, nasa bangketa lang yun ng HK, yung Mcdo dun kulang yung sauce at dry yung patty at kung ano-ano pa. Bago kami sumakay ng bullet amaze na amaze kami sa ticket (lalo na ako kasi di pa ako sanay sumakay ng MTR nila, nor MRT dito, promdi ako eh).
Ang lamig sa Disneyland, nag-enjoy kami masyado doon, nagsisigawan sa rides. Trinay namin halos lahat, sayang nga lang kapos na rin kami sa oras kaya hindi namin inabot yung iba. Sa isip ko dati, sana kasama namin lahat ng familu namin para mas masaya. Sobrang dami namin at sa sobrang dami namin, iba yung uupo lang, iba yung maghahanap ng pagkain, bibili ng pagkain, kakain sa binili, mag ra-rides lang, mag-hahanap ng CR, iba yung hahabol sa mga bata at sama lagi ang mga chikitings. Mas masaya sana yun, may plano kami dati, sana matupad yun.
Hotdog bun lang ata ang kinain namin doon, nagtitipid kasi kami tsaka ang aim namin ay kumain ng delicacies nila, so kung busog na kami sa oras na yun, baka hindi na namin maappreciate yung food. At syempre yung "Eat like a local" na food nila, yun nasarapan namin yun, sa apartment na nga lang kami kumain. PS. Yung water pala nila doon ang mahal, parang 100php saatin 500ml lang yun. After nung Disneyland namin papauwi na kami, tan
ong-tanong ulit, buti nalang may pantawag din kami sa kaibigan ng tita namin at muntik na kaming mawala, gabi na din kasi nun, ang bus at ang daan ay magkakamukha.
Sunod namin na pinuntahan yung Ocean park. Ayun maganda ang kwento ko dun, kasi dun nasukat yung lukso ng dugo, trust at fears namin. Ayun, ride-ride at ride. Masarap din yung snacks nila dun, nagsandwich lang kami then yung spicy and not so spicy squid strips, gustong gusto namin yun. Sayang nga lang hindi kami nakabili ng ka-lasa nya talaga sa mga local stores nila sa labas.
Ito na yung matinding experience sa Ocean park: Si NJ at Nikki may fear sa heights, kami ni Wrenzo wala at sabay din kaming nag-eenjoy sa mala-higanteng roller coaster rides doon. So in order na maging fair, kami lang ni Wrenz yung nag ride, sila ang usapan namin mag-aantay sila sa baba. So ayun, medyo matagal nun yung pila, sobrang haba kasi at dami ng tao. SOBRANG MAKALAGLAG KALULUWA YUNG LONGEST ROLLER COASTER RIDE NA YUN. Sila NJ at Nikki naman, pag-kababa namin ay nawawala. Walang pasabi, walang communication at walang kung ano pa man. Hanap kami ng hanap, hindi pa naman kami nag usap-usap kung saan kami mag-mmeet in case na naghiwa-hiwalay kami. Gusto na namin mag-patulong sa police noon, nagtatanong na nga kami sa mga tao dun,"Have you seen a boy and a girl wearing this and that...?" mga ganun. Kaso hindi nila kami naiintindihan, natutuliro na kami kung saan namin sila hahanapin, napakalaking lugar ng Ocean park, hanggang sa may nakita ako, lukso ng dugo, ayun! Lintik na mga to, naglalaro, wala silang paki-alam saamin eh. Hayun nanalo sila ng napakalaking stuff toy at mga memorabilia. Juskolord thank you!

---
Limot ko na yung Train Station na binabaan namin at yung lugar na yun pero doon kami bumili ng mga perfume at kung ano-ano pang personal na churva. May experience nanaman ako dito, kasama ko si Wrenz. Nagtanong ako nung jelly belt (100php lang yun sa Baclaran, kaya naisipan kong magtanong),"How much is this jelly belt?". May sinabi syang price pero katumbas ng 600php saatin yun, sabi ko Thank you sabay lakad. "How much you want? You ask for price, how much you want? I give you this, you ask for price?" Hala si Ate, pinipilit ako. Nanlamig ako noon, kasi nasa ibang place ako eh, baka kung anong mangyari saakin dahil sa jelly belt na yan. Sabi ko lang di ako bibili, buti nalang may isang taong nag-cut ng conversation namin before it got worse. OMG! Hindi na ako bumalik sa area na yun.
Tapos noon, nag-hiwalay ulit kami nila NJ at Nikki at kami naman ni Wrenz. Kaming dalawa ni Wrenz may similarities, kumain kami ng kumain, bumili kami sa Gongcha, wala pa kaming nakikitang Gongcha sa Pinas nung time na yun kaya nag enjoy kami ng husto sa kung ano mang kinain namin. Mag past-7 or 8 pm na ata nun, sabi namin sa may entrance ng MTR lang namin makikita. Hala, nawala pa rin kami, buti nalang may 300php ako na load last choice ko na yun, hindi ko nagamit yung load dati kasi hindi ako nakapag-isip ng matino. Hindi yun naka-roaming pero pinantawag ko na kasi sobrang tao din doon. Ay sus, ayun sila nasa may kanto kumakain din ng cake naka upo na parang pulubi. May mga binili na silang pasalubong, keychains, halos kumpleto na sila, kami ni Wrenz naubos pera namin sa pag-kain.
Natatawa nalang ako sa experience namin. Kinaumagahan dun nalang kami nag ikot ikot sa mall kung saan malapit ang Airport. Hindi na kami nag-hiwa-hiwalay nun.
*Sorry naman at hindi ko na sila maalala yung mga exact na lugar, exact ng pamasahe.
Sasusunod ulit.
Dito nagsimula ang kagustuhan kong umalis ng umalis, lumipad kahit saan. Gusto ko ng ibang lugar at ibang tanawin at kakaibang experience.
Sa panahon na ito hindi pa uso ang instagram at ang hashtag. Friendster days at usona rin ang Facebook, 200+ na photo upload sa isang album, kahit sabihin mong pare-pareho ang anggulo, iupload pa namin ito.
---
Isang matinding #throwback ito kasi hindi ko na masyadong matandaan ang ibang detail.
Budget namin dito (estimate): 15,000-20,000php/each (Salamat sa mga naging sponsors namin dito)
Plane: Cebu Pacific (Meron kasing promo ito, 899php ata ang base fare nito)
Hotel: Walang hotel, dun ko din na-experience ang sinasabi nilang backpacker. (Nag-stay lang kami sa apartment ng kaibigan ng Tita namin, although may 35$HK/each/night for 2 nights)

Maganda yung climate nila doon, sobrang lamig na tipong pag hinga at pagbuga mo ay may usok na lalabas sa bibig mo lalo na pag-ka-umaga at mag-gagabi na. Buti nalang nagresearch tong pinsan ko ng mga "What to wear in HK" para naman akma kami sa lugar na yun. Hindi pa saakin uso ang #OOTD noon, so ang dala ko lang 3 t-shirts, 1 jacket, 1 pants, 1 pair na pantulog, undies at 1 shoes na hiniram ko pa sa Tita ko, btw, nabanggit ko ba sainyo sa jologs ako? :)
Unang stop namin doon ay Disneyland, syempre nag-tanong-tanong kami ng direction, naghanap din kami ng map papunta dun. Ang saya lang kasi para kaming lagalag doon, kung ano-ano ang mga napupuna namin, papunta don sa Disneyland. Yung mga uso ngayon na toothpaste dispenser na nakikita sa Japan Homes, nasa bangketa lang yun ng HK, yung Mcdo dun kulang yung sauce at dry yung patty at kung ano-ano pa. Bago kami sumakay ng bullet amaze na amaze kami sa ticket (lalo na ako kasi di pa ako sanay sumakay ng MTR nila, nor MRT dito, promdi ako eh).

ong-tanong ulit, buti nalang may pantawag din kami sa kaibigan ng tita namin at muntik na kaming mawala, gabi na din kasi nun, ang bus at ang daan ay magkakamukha.
Sunod namin na pinuntahan yung Ocean park. Ayun maganda ang kwento ko dun, kasi dun nasukat yung lukso ng dugo, trust at fears namin. Ayun, ride-ride at ride. Masarap din yung snacks nila dun, nagsandwich lang kami then yung spicy and not so spicy squid strips, gustong gusto namin yun. Sayang nga lang hindi kami nakabili ng ka-lasa nya talaga sa mga local stores nila sa labas.
Ito na yung matinding experience sa Ocean park: Si NJ at Nikki may fear sa heights, kami ni Wrenzo wala at sabay din kaming nag-eenjoy sa mala-higanteng roller coaster rides doon. So in order na maging fair, kami lang ni Wrenz yung nag ride, sila ang usapan namin mag-aantay sila sa baba. So ayun, medyo matagal nun yung pila, sobrang haba kasi at dami ng tao. SOBRANG MAKALAGLAG KALULUWA YUNG LONGEST ROLLER COASTER RIDE NA YUN. Sila NJ at Nikki naman, pag-kababa namin ay nawawala. Walang pasabi, walang communication at walang kung ano pa man. Hanap kami ng hanap, hindi pa naman kami nag usap-usap kung saan kami mag-mmeet in case na naghiwa-hiwalay kami. Gusto na namin mag-patulong sa police noon, nagtatanong na nga kami sa mga tao dun,"Have you seen a boy and a girl wearing this and that...?" mga ganun. Kaso hindi nila kami naiintindihan, natutuliro na kami kung saan namin sila hahanapin, napakalaking lugar ng Ocean park, hanggang sa may nakita ako, lukso ng dugo, ayun! Lintik na mga to, naglalaro, wala silang paki-alam saamin eh. Hayun nanalo sila ng napakalaking stuff toy at mga memorabilia. Juskolord thank you!

---
Limot ko na yung Train Station na binabaan namin at yung lugar na yun pero doon kami bumili ng mga perfume at kung ano-ano pang personal na churva. May experience nanaman ako dito, kasama ko si Wrenz. Nagtanong ako nung jelly belt (100php lang yun sa Baclaran, kaya naisipan kong magtanong),"How much is this jelly belt?". May sinabi syang price pero katumbas ng 600php saatin yun, sabi ko Thank you sabay lakad. "How much you want? You ask for price, how much you want? I give you this, you ask for price?" Hala si Ate, pinipilit ako. Nanlamig ako noon, kasi nasa ibang place ako eh, baka kung anong mangyari saakin dahil sa jelly belt na yan. Sabi ko lang di ako bibili, buti nalang may isang taong nag-cut ng conversation namin before it got worse. OMG! Hindi na ako bumalik sa area na yun.
Tapos noon, nag-hiwalay ulit kami nila NJ at Nikki at kami naman ni Wrenz. Kaming dalawa ni Wrenz may similarities, kumain kami ng kumain, bumili kami sa Gongcha, wala pa kaming nakikitang Gongcha sa Pinas nung time na yun kaya nag enjoy kami ng husto sa kung ano mang kinain namin. Mag past-7 or 8 pm na ata nun, sabi namin sa may entrance ng MTR lang namin makikita. Hala, nawala pa rin kami, buti nalang may 300php ako na load last choice ko na yun, hindi ko nagamit yung load dati kasi hindi ako nakapag-isip ng matino. Hindi yun naka-roaming pero pinantawag ko na kasi sobrang tao din doon. Ay sus, ayun sila nasa may kanto kumakain din ng cake naka upo na parang pulubi. May mga binili na silang pasalubong, keychains, halos kumpleto na sila, kami ni Wrenz naubos pera namin sa pag-kain.
Natatawa nalang ako sa experience namin. Kinaumagahan dun nalang kami nag ikot ikot sa mall kung saan malapit ang Airport. Hindi na kami nag-hiwa-hiwalay nun.
*Sorry naman at hindi ko na sila maalala yung mga exact na lugar, exact ng pamasahe.
Sasusunod ulit.
Monday, November 16, 2015
Travel Guide: #WhenInBoracay
Buwan ng September 2014 noon ng bigla kaming nag-decide ng kaibigan kong magbakasyon sa Boracay, tamang-tama ito sa halos isang buwan din namin na off sa trabaho. Walang kung ano pa man at nag book kami. May travel agency kaming kausap and smooth naman yung naging transaction namin.
Limot ko na yung budget namin dito pero rough estimate ay 7000php/each: included na yung hotel, air fare at may mga food vouchers pa sila, 3D2N na yun. Meron silang iba't ibang mode of transaction kaya hindi kami nahirapan makipag-usap sakanila. Ang gastos nalang namin doon ay yung mga personal na chuchu namin, at mga pagkain pa na kung ano-ano. All in all, parang 10,000-11,500php yun. Tama ba?
Via Caticlan kami so medyo malayo pa kami sa island mismo, mag-iisang oras din yung byahe galing sa Airport, arrangement na ng hotel na may magsusundo saamin doon kaya less hassle. Maaga yung byahe namin pero nakarating kami doon lunch time na siguro kasi marami kaming dinaanang pwerto. Nag-enjoy ako sa trip na yun, may mga kasama kami sa bus, family din ata yun at isang grupo, kaya medyo maingay yung bus, yung ingay na hindi nakakabingi kasi tawanan lang sila ng tawanan. Syempre kaming dala nung maaga yung flight e natulog lang ng bongga at nagising nalang kami papa-akyat na ng bangka papunta sa isla mismo. May travel/environmental fee doon, siguro mga 70php yun kada isang tao.
Pagdating namin doon, may nag-yaya saamin sa Astoria hotel, isang agent, babae yun. Libreng lunch daw yun, so since malapit naman yun sa hotel namin, pumayag kami. Libre nga, pero makikinig ka sa lecture at tour nila, inabot kami ng 4 na oras din dun kasama yung lunch. So tama naman at after namin ikutin ang Astoria, e nagmuni muni na kami sa beach, madilim na kasi.
Ang ganda ng sunset sa beach parang pwede ko syang titigan hanggang sa humalo ang mga kulay orange at yellow sa blue at green na tubig. Ang gandang tingnan ng isla ng Boracay, kakaiba naman sya sa paningin ko, at ang sand nya, warm, pwede kang pumagulong-gulong sa sand nito kasi malinis at pino (maghahanap ka nga lang ng spot kasi lahat may tao). Marami ding nakapalibot na activities sa harap ng hotel namin, Station 2 kasi kami, so alam na this. Buong magdamag wala kang hindi pwedeng puntahan kasi puro ito inuman, gimik, at iba pa.
Unang activity namin yung skim boarding, 300 yung isang oras. May nagtuturo naman saamin at nakaka-ilang sigaw din ako dun, nakakaloka at impatient si kuyang natuturo saamin:
Kuya: First time?
Kami: OO, bakit po?
Kuya: Halata, sigaw kayo ng sigaw.
Ako: *Sa isip ko: Loko to ah!* *Inasar ko pa sya.*
Paikot ikot kami doon, Station 1 - Station 2 - Station 1 - Station 2 sa unang gabi namin. Yung mga vouchers namin na libre galing sa Travel Agency inisa-isa na namin, libre na dinner namin doon. Red Coco (?) pizza house yung unang pinuntahan namin kaya drinks nalang yung binayaran namin doon. Tapos nag cocktail pa kami sa isang open bistro. Umupo kami doon, tapos itong si Kris, yung kaibigan ko, napa-kanta, marunong kasi tong kumanta kaya pinilit na namin. Ayun, parami ng parami yung tao.
Nagpa-braid din si Kris ng buhok nya parang 100php ata yun, naki-pagkwentuhan na kami doon, mabait yung nagbraid sakanya, babae yun. May kasama syang banyagang lalaki at Daddy ang tawag nila doon, residente na daw siya doon. Una daw, pabalik-balik daw sya sa Bora kasi nagandahan daw sya sa lugar, tapos ayun, di na bumalik sa bansa nya. Di pa sya sanay mag-salita ng tagalog pero nakaka-intindi naman daw sya. May mga kaibigan na sya doon, at dun daw madalas ang tambayan nya sa spot na yun. Ako, gusto sana mag-pa-henna, iniisip ko, sayang pera, chos lang!
Marami kaming nakitang banyaga doon, mostly nga lang Koreano. Aba! Malaporselana ang mga kulay nila, walang pores kaso wala ding dibdib at konti lang yun may korte ang katawan. Sa isip ko, may lamang parin ako ng konti, mga 20/100 lang.
Pagkatapos non, ikot ulit kami. May tugtugan sa isang hotel, ako naman syempre tugtog yun, kaya ang pwet ko, may sariling buhay, sumayaw sayaw ako doon, nagpa-pilit muna ako at binigay ko naman yung cellphone ko sa kaibigan ko (aba! matinding documentation dapat to). Ikot ulit kami, walang pahingang gabi yun kasi nagpunta kami para mag-enjoy doon. Siguro mga 12am na din kami umuwi non. After, nag Banana Hut (?) kami, syempre sabi ng pinsan ko try ko daw yun. Akala ko naman e malaking restau sya kaya hanap kami ng hanap, isang oras yung ginugol namin para hanapin yun, eh sobrang liit lang pala nun at nasa-looban pa. Pero masarap yung cocktail nila doon. Siguro nasa 120php ang non-alcoholic doon, syempre saakin yung may alcohol diba? What is Boracay without alcoholic beverage?
Parasailing: Ang ganda sa taas, hindi ako natakot at nagenjoy lang ako sa itaas, gusto ko ulit yun maulit. Chillax lang yun, at nakaka-enjoy kasi hindi pa sya mainit kaya hindi masyado nakakaitim yung panahon nya, naulan ng konti, at mahangin kaya mas malakas yung hatak saamin. After nun, underwater naman kami, buti nalang may picture at may CD pa na kasama, kaso syempre may bayad din yun, hati nalang kami ni Kris, tutal soft copy lang naman ang kailangan namin, pang-post lang sa instagram. May activity pa sana kami kaso hindi na pumayag sa coast, delikado na daw panahon.
Noong magdidilim na, lalong naging matao ang dinadaanan namin, lalong umiilaw ang bawat poste, lalong nagiging party place ang beach. Nakapag-isip kaming mag-cocktail ulit ng kaibigan ko, at doon sa malapit sa hotel namin na bar, may nakilala kaming 3 foreigners. Una, ayokong lumapit doon kasi di ako fan ng notion ng foreigner/pinay (sorry naman) pero wth! nasa Boracay kami for crying out loud. So buti nalang itong kaibigan ko ay likas na friendly kaya itong mga Belgian waffles ay naging kausap namin.
Mababait naman sila, DJ sila sa bansa nila, 22-24-24 ang edad nila, so di din naman nagkakalayo sa age namin. Not bad. Ayun, nag-usap-usap kami hanggang 11pm ata yun at nagkayayaan na lumipat ng bar. Hindi gusto ni Kris yung vibes kasi puro mga older men at liberated yung andun kaya umalis kaming dalawa at iniwan namin yung 3 doon sa loob. At ayun, natulog na kami kasi kinabukasan ay may byahe pa kami.
Limot ko na yung budget namin dito pero rough estimate ay 7000php/each: included na yung hotel, air fare at may mga food vouchers pa sila, 3D2N na yun. Meron silang iba't ibang mode of transaction kaya hindi kami nahirapan makipag-usap sakanila. Ang gastos nalang namin doon ay yung mga personal na chuchu namin, at mga pagkain pa na kung ano-ano. All in all, parang 10,000-11,500php yun. Tama ba?
Via Caticlan kami so medyo malayo pa kami sa island mismo, mag-iisang oras din yung byahe galing sa Airport, arrangement na ng hotel na may magsusundo saamin doon kaya less hassle. Maaga yung byahe namin pero nakarating kami doon lunch time na siguro kasi marami kaming dinaanang pwerto. Nag-enjoy ako sa trip na yun, may mga kasama kami sa bus, family din ata yun at isang grupo, kaya medyo maingay yung bus, yung ingay na hindi nakakabingi kasi tawanan lang sila ng tawanan. Syempre kaming dala nung maaga yung flight e natulog lang ng bongga at nagising nalang kami papa-akyat na ng bangka papunta sa isla mismo. May travel/environmental fee doon, siguro mga 70php yun kada isang tao.
Pagdating namin doon, may nag-yaya saamin sa Astoria hotel, isang agent, babae yun. Libreng lunch daw yun, so since malapit naman yun sa hotel namin, pumayag kami. Libre nga, pero makikinig ka sa lecture at tour nila, inabot kami ng 4 na oras din dun kasama yung lunch. So tama naman at after namin ikutin ang Astoria, e nagmuni muni na kami sa beach, madilim na kasi.
Ang ganda ng sunset sa beach parang pwede ko syang titigan hanggang sa humalo ang mga kulay orange at yellow sa blue at green na tubig. Ang gandang tingnan ng isla ng Boracay, kakaiba naman sya sa paningin ko, at ang sand nya, warm, pwede kang pumagulong-gulong sa sand nito kasi malinis at pino (maghahanap ka nga lang ng spot kasi lahat may tao). Marami ding nakapalibot na activities sa harap ng hotel namin, Station 2 kasi kami, so alam na this. Buong magdamag wala kang hindi pwedeng puntahan kasi puro ito inuman, gimik, at iba pa.
Unang activity namin yung skim boarding, 300 yung isang oras. May nagtuturo naman saamin at nakaka-ilang sigaw din ako dun, nakakaloka at impatient si kuyang natuturo saamin:
Kuya: First time?
Kami: OO, bakit po?
Kuya: Halata, sigaw kayo ng sigaw.
Ako: *Sa isip ko: Loko to ah!* *Inasar ko pa sya.*
Paikot ikot kami doon, Station 1 - Station 2 - Station 1 - Station 2 sa unang gabi namin. Yung mga vouchers namin na libre galing sa Travel Agency inisa-isa na namin, libre na dinner namin doon. Red Coco (?) pizza house yung unang pinuntahan namin kaya drinks nalang yung binayaran namin doon. Tapos nag cocktail pa kami sa isang open bistro. Umupo kami doon, tapos itong si Kris, yung kaibigan ko, napa-kanta, marunong kasi tong kumanta kaya pinilit na namin. Ayun, parami ng parami yung tao.
Nagpa-braid din si Kris ng buhok nya parang 100php ata yun, naki-pagkwentuhan na kami doon, mabait yung nagbraid sakanya, babae yun. May kasama syang banyagang lalaki at Daddy ang tawag nila doon, residente na daw siya doon. Una daw, pabalik-balik daw sya sa Bora kasi nagandahan daw sya sa lugar, tapos ayun, di na bumalik sa bansa nya. Di pa sya sanay mag-salita ng tagalog pero nakaka-intindi naman daw sya. May mga kaibigan na sya doon, at dun daw madalas ang tambayan nya sa spot na yun. Ako, gusto sana mag-pa-henna, iniisip ko, sayang pera, chos lang!
Marami kaming nakitang banyaga doon, mostly nga lang Koreano. Aba! Malaporselana ang mga kulay nila, walang pores kaso wala ding dibdib at konti lang yun may korte ang katawan. Sa isip ko, may lamang parin ako ng konti, mga 20/100 lang.
May mga souvenir shops din doon, mga mura lang din ang mga products nila, 10php may keychain ka na, depende pa sa dami at way mo ng tawad doon, may binili din kaming ref magnet para sa pamilya ko at refs nila.
Doon na din kami nag-hanap ng activity para sa kina-umaga-han, may nakuha kaming deal, more than 2000php ata yun, or 1600php each ata: Parasailing, underwater churva, mura na yun sa mag-hapon naming pakiki-bargain.
Second day namin, ayun, maaga kami pumunta doon sa meet up place, kabila ng Station 2. Kaso medyo madilim ang kalawakan kaya nag-dadalawang isip kaming tumuloy. Pero ayun, sa ngalan ng "fun at enjoyment" pinush namin yun. May guide naman sila doon, ata sinasabi naman nila saamin kung bawal, or hindi na pwede kaming matuloy. Safe naman kami all throughout ng activity namin.
Ayun, ikot ulit kami, naghanap naman kami nung shake house, may voucher pa kasi, doon na kami tumambay naman, Station 1 yun sa may grotto. Sobrang layo sya sa spot namin pero ok lang, ang haba ng stretch ng Boracay pala. Sa layo nitong shake house saamin, mas napansin kong less ang tao, less ang dumi, at mas nag pure yung itsura ng beach at sand. Mas maaliwalas syang tingnan at apakan. Mas kalmado ang tubig kahit yung agos nito at napa-bilis gawa nung hangin.
Hindi naman kami nagswimming ng bongga doon, dinampian lang namin ang kaluluwa namin ng Boracay vibes at hindi kami nabigo. Short hair pa ako noon, at medyo malaki din yung katawan ng kabigan ko, kaya pareho nalang kami nag lipstick ng bongga kasi may nagtatanong, "Couple?". Kaloka diba? Hello.
Masarap mag bakasyon sa lugar na hindi mo kabisado, hindi mo kakilala, ibig sabihin sa puso mo may chance na mag-karoon ka ng self renewal, may chance sa sarili mo e makakilala ka ng ibang tao, open kung baga at malay mo doon mo makita ang forever mo. Yun nga lang, hanggang ngayon, wala pa akong forever.
Until then...
Monday, November 9, 2015
Travel Guide: #WhenInSukhumvit
July 2015 ng na-invite kami for the meeting sa Bangkok. Isa ako sa ma-swerteng inimbitahan para doon, nagmadali akong i-renew ang passport ko kasi pa-expire na sya sa October. Sa DFA Alabang na located sa Metro Gaisano, nagpa-appointment ako para mabilis at walang hassle. Nung araw ng appointment ko, around 8am, dala ko ang 1200php ata na fee para sa rush nito then documents like: old passport at valid ID. Very efficient yung mga staff ng DFA, nag-s-smile sila at mabilis din ang trabaho, organized din sila, so in a span of 30 mins, tapos na ako. And in 10 days, delivered na yung aking passport. I am ready to join the trip!
All expense paid yung trip namin from plane tickets, transfers at hotel. So ang gastos lang talaga namin ay yung mga personal na binili namin. Budget ko P10k, pero siguro mga P3-5k lang nagastos ko. Yung exchange rate noon ay P1.50 = P1.00, kaso $100-200 yung ginamit namin, at hindi ko na matandaan yung conversion nun in Peso sa time na yun.
Travel time: almost 2 hours din yun, maganda yung airport ng Bangkok, pag labas namin, habang nasa byahe, mukha lang pinag-halo halo na Manila, Makati, Pasay puro sila overpass. Ang climate nila dun mainit din kagaya sa atin, at may traffic din, yan din kasi yung comment na nababasa ko online at mga nakarating doon. Yung mukha nila, kamukha lang din natin, di ko nga ma-distinguish kung mga Pinoy o taga-Thailand sila kung hindi sila magsasalita, base yung sa obserbasyon ko.
Mahigit 20-30mins din kami sa byahe galing BKK Airport to Westin Grande Hotel, Sukhumvit. Centro kasi yung hotel na pupuntahan namin, tapat lang yun ng Terminal 21 at iba pang mga prestigious malls, around the area lang din yung platinum, then yung mga tiangge-tiangge nila.

For more details: Top Ten Shopping Malls in Sukhumvit

Kinagabihan, nagpa-massage kami sa ibaba ng Hotel, sabi kasi ng Boss namin, dapat matry namin ang massage ng Thailand, specialty daw nila yung foot reflexology, nakaka-relax. Gusto ko sana matulog nun kasi yun naman yung nagagawa ko parati, kaso since katabi ko kwento ng kwento, ayun, natapos yung relaxing na massage ng gising ako, bagong ligo kami nun bago kami nagpa-hilot kaya ang sarap ng tulog namin.
Sa third day namin, meeting na kami, isang buong araw din yun ng protocol discussion ng isang upcoming na clinical trial. Sobrang innovative talaga natin, sobrang technological at futuristic. Yan lang ang masasabi ko sa mga Clinical Trials.
Pang apat na araw namin, meeting ulit, pero buti na nga lang at half-day lang, continuation lang ng kahapon namin na topic, naging speaker noon isang Doctor sa pinagttrabahuhan ko, matatalino sila at very knowledgeable, talagang alam nila ang topic na dini-discuss, kung may kailangan i-clarify, agad-agad ang response nila.
After nung meeting namin, umalis ulit kami, bumalik kami sa Platinum at Emporium para ipagpatuloy ang pamimili, pasalubong at iba pa, last stop namin yung Terminal 21, nasa tapat lang naman ng Hotel.

Ayun, one to sawa kami sa mga lakarin, kumain sa kung saan at makakita ng kung ano-anong tanawin. Sarap bumyahe, sarap maka-experience ng bago.
Ayun, sa susunod ulit.
Sunday, November 8, 2015
Travel Guide: #WhenInTuguegarao
Sa dalawang beses kong pagbalik sa Tuguegarao City (5 araw na review at exam, at 3 araw na nilaan para sa graduation ng MSN) masasabi kong nag-enjoy ako sa lugar na yun.
Ways to get there:

Meron ding walking distance na mga cafe at bistro (Pan de Cagayan, sosyal sya, pwedeng #instagramable din yung place, maliit lang na shop. Yung food na binili ko: puttanesca pasta at margarheta na pizza, thin crust yun) at parang sa Makati na Banchetto, Luna strEAT yung tawag sa lugar na yun. Dun kami madalas tumambay pag-after 5pm, masasarap ang pagkain dun, lalo na yung Thailand style food stall nila dun. May mga waiter sila kaya malinis din yung lugar na yun, punuan lagi dun, siguro kasi syempre masarap at affordable yung food nila.
Sa Hotel Joselina kami nag stay, 1,000php yung room, deluxe na yun, maganda rin yung ambiance nya, tema ng hotel parang makalumang bahay, puro kahoy yung wall decor pero maayos din ang service nila.
Ways to get there:
- By plane: Yung ticket nag-vary ng 1,600php - 1,900php nung pagkakuha ko, hindi pa sya sale. One-way lang yan, may kamahalan, pero kung may sale seat makakamura ka naman for sure. Meron silang Cebu Pacific (malaking eroplano) at Philippine Airlines (maliit lang yung plane na gamit). Yung travel time naman nya: 1hr and 15mins saamin.
- At by bus: Pwedeng sa Kamuning, Cubao at Sampaloc na terminal. Byaheng Norte kaya Tuguegarao yung sign, Florida yung sinakayan naman namin pabalik. Ranging from 600php - 700php yung ticket/one way lang din yan 12 hours yung inabot namin sa daan.
Sa 5 days na unang stay namin doon, sa Balai B + B kami nagstay, affordable and convenient sya kasi super lapit nya sa kainan, gimikan at supermarket, pwede mo ng lakarin, kung hindi ako nagkakamali, Burgos St. yung lugar na yun, first time ko naman kaya ginamit ko ang Waze na application, helpful talaga sya. With regards to food, sabi saamin ng may ari, per request yung gawa nila, kami kasi (15 ata kami sa batch na nandun) hindi na namin in-avail yung breakfast. Maayos ang facilities doon, at kung nagkataon na may bara, sira or anu man, may assistance naman agad sa may-ari, Tito Oscar yung name nya.
Syempre hindi maiwasan as a turista na maghanap ng ka-aliwan doon, sa tulong ulit ng Waze at mga lokal doon, nakarating kami sa Macapagal Ave, may mga videoke dun at bars.

Sa St. Paul talaga ang pakay namin dun para mag exam, malaki yung University na yun at very efficient yung mga professors namin, very accomodating sila sa mga estudyente kaya love namin sila. Syempre bago kami umuwi ng Maynila man lang ay kumain muna kami ng mga pansit-pansit nila. Pansit Batil Patung at Pansit Cabagan yung famous dun, na-try namin yun sa Hotel Roma. Sulit kasi masarap yung order namin at syempre presentable. Maraming sahog at mabubusog ka sa sarap. Pwede na ring sharing ang isang serving noon lalo na't kung hindi ka mahilig sa pansit at nag-d-dieta ka.
----
Doon naman sa 3 araw namin doon, pangalawang beses kong pagpunta; graduation na kasi yun after a month. Nakapasa naman kami lahat ng Batch 11 sa compre exam. Thank God!
Sya nga pala nasa Centro lahat yung mga pinuntahan namin kaya 10php lang yung bayad/ person, so kung ok lang sayo ang lakaran sa initan, makakatipid ka ng bongga.
Unang araw namin ay wala kaming sinayang: 12pm kami nakarating doon at nag lunch lang kami sa malapit na restau saka pumunta ng St. Paul at kinuha ang toga at invitation para sa kinabukasang graduation, after nun, Luna strEAT ulit kami, pinatikman ko kasi yung food sa kapati ko, first time kasi nya sa Tuguegarao.

After nung graduation namin, tuloy tuloy na gala ulit kami, pumunta kami bahay ng kaibigan namin (di ko matandaan yung place ng nila eh), residente kasi sila doon, mga 15mins na byahe galing sa tinuluyan naming Hotel Joselina. Saka kami pumunta ng Callao Cave, kaso late na rin kami naka-alis since nagchikkahan pa kami sa bahay nila. Alas-singko ang closing time ng cave buti nalang nakahabol kami, mahigit 30-45 mins din ang byahe galing bahay nila, dun nag-shooting yung "The Mistress" syempre #instagrammable yun.
Kinabukasan, sa Piat Church naman kami pumunta, may flight kami ng 3pm so dapat ma-maximize namin yung stay doon, 7am (late na yun) byahe kami papuntang Piat Church, 45 mins yung byahe galing Joselina, saglit lang kami dun, nag pray, nag wish at nag picture, dun din kami bumili at nag pa-bless ng glow in the dark na rosary, pasalubong.
Around 10-11am, sa Light House na kami bumili ng ibang pasalubong: Chicharabao, Carabao candy at iba pang delicacies nila, sayang at wala kaming naiuwi na longganisa kasi wala kaming ref sa apartment.
Yung travel time pala ng bus station galing centro (Tugue) ay 10 mins, at papuntang airport ay 10-15mins din depende sa traffic.
Ayun, next time ulit.
Travel Guide: #WhenInAntipolo
Halos papatak na 3630php yung gastos namin /2 = less than 2000php/each. Pasok sa banga!
Hindi man sumakto yung offset ko sa Birthday ko e ok na yun, buti nalang magka-sabay pa kami ng kapatid kong naka off nung Nov 5. Wala akong plan mag-celebrate, kaso sayang ng araw at tamang-tama naman ay may time kami para makapag-relax.
Dali-dali akong nagsearch kung anong magandang puntahan na malapit lang sa Quezon City. Antipolo ang unang-unang pumasok sa utak ko. "What to do in Antipolo" ang guide ko, turistang-turista lang ang datingan. Walang isip-isip at nag set na ako ng oras ng alis, ng pupuntahan at ng budget namin.
So ito ang naging ruta namin:
1. From MRT Cubao sumakay kaming Van papunta ng Antipolo mismo (buti nalang at may "How to get there" sa google, Haha.) - 50 pesos each yung fare at bumaba sa may Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine, dito din kasi ang terminal nila.

2. Una, syempre dumaan kami sa Shrine para magpasalamat, humingi ng tawad at guidance, at nag-wish, sabi kasi nila, pag-first time mo sa isang church, mag-wish ka. Maganda ang history ng Shrine at ukit nito. Matigas na kahoy daw ang gamit sakanya at lalong tumatagal e lalo syang tumitibay, parang puso. #hugot. Nagsindi kami ng kandila dun at nag-offer ng mass para saamin special intentionssss.

3. At dahil #commuterph kami, kailangan alamin namin ang mga pasikot-sikot sa lugar na yun. So nagtanong kami sa mga authorized na tao, ang next stop kasi namin ay: #CrescentMoonCafe (Tricycle nun, 60 pesos) maganda yung reviews dun, fresh ang luto at may pottery lesson galing mismo sa may-ari. Unfortunately, hindi sila nag-aallow ng walk-in, reserved dapat sila at may time. Tues - Wed merienda 9am-4pm, Thur- Sun lunch 12pm-2pm, so Monday closed sila. Si kuya Ricky yung nag-guide saamin nun, accomodating siya, sayang nga at hindi man lang kami naka-experience dun. Magaganda ang pots na nakadisplay nun, may-ari nun si Lanelle, yun yung naka-ukit na name kasi sa mga pots.

5. Sunod naman ay papunta na kami sa main destination namin: Luljetta's Hanging Garden and Spa, Loreland farm yun, galing museum 100php yung bayad namin (malayo at mahal talaga ang tricy, ever). Napaka-amazing ng view sa #luljettas. Again, kulang ang isang araw dun. May package kami na kinuha, buti walang masyadong tao, first come first serve kasi sila at by reservation din, naginquire na din kasi ako the night before kung marami sila at kung pwede pa kami maaccomodate. Ang calming ng surrounding nila, lahat ng stations may refreshments (lemon, mint at cucumber water) iwas dehydration din yun. Included sa pack na kinuha namin, 1100php each ay hyrdropool, infinity pool, Dr. Fish spa, jacuzzi at sauna, sa iba pang rates at package may website sila: bienvenidotours.com. May free use of robe at slippers din, syempre bawal dun ang loose shirts, swimsuits talaga dapat at may free crispy suman at juice. Masarap yung servings. Partida din ang mga #instagrammable na views. Perfect kung gusto mo ng #nofilter na shots, raw footage swak na. 5 hours lang kami dun so 6pm ahon na kami at alis, sobrang nakakabitin kasi parang sa view palang sobrang relaxing na. Picture picture pa kami dun at nakatulog din sa buddha lounge nila.
6. Back to base na kami, 60php yung balik namin ng terminal, tricycle pa rin at Cubao na van ulit yung sinakyan namin another 50php/each yun. Nag dinner kami sa #farmers after.
Gusto ko maulit yung Do-it-Yourself Day tour sa ibang lugar naman. Next time mas maaga umalis mas maganda para sulit byahe.#prebirthdaycelebration
Subscribe to:
Posts (Atom)
Where my adventures are stored. Youtube Channel: Click here.
-
March ata this year (2015) when we went to # WheninCalaguas . Nasa kasagsagan to ng akin "monthly out-of-town or staycation (o...