Sunday, November 8, 2015

Travel Guide: #WhenInTuguegarao

Sa dalawang beses kong pagbalik sa Tuguegarao City (5 araw na review at exam, at 3 araw na nilaan para sa graduation ng MSN) masasabi kong nag-enjoy ako sa lugar na yun.

Ways to get there:

  1. By plane: Yung ticket nag-vary ng 1,600php - 1,900php nung pagkakuha ko, hindi pa sya sale. One-way lang yan, may kamahalan, pero kung may sale seat makakamura ka naman for sure. Meron silang Cebu Pacific (malaking eroplano) at Philippine Airlines (maliit lang yung plane na gamit). Yung travel time naman nya: 1hr and 15mins saamin.
  2. At by bus: Pwedeng sa Kamuning, Cubao at Sampaloc na terminal. Byaheng Norte kaya Tuguegarao yung sign, Florida yung sinakayan naman namin pabalik. Ranging from 600php - 700php yung ticket/one way lang din yan 12 hours yung inabot namin sa daan.
Sa 5 days na unang stay namin doon, sa Balai B + B kami nagstay, affordable and convenient sya kasi super lapit nya sa kainan, gimikan at supermarket, pwede mo ng lakarin, kung hindi ako nagkakamali, Burgos St. yung lugar na yun, first time ko naman kaya ginamit ko ang Waze na application, helpful talaga sya. With regards to food, sabi saamin ng may ari, per request yung gawa nila, kami kasi (15 ata kami sa batch na nandun) hindi na namin in-avail yung breakfast. Maayos ang facilities doon, at kung nagkataon na may bara, sira or anu man, may assistance naman agad sa may-ari, Tito Oscar yung name nya.

Syempre hindi maiwasan as a turista na maghanap ng ka-aliwan doon, sa tulong ulit ng Waze at mga lokal doon, nakarating kami sa Macapagal Ave, may mga videoke dun at bars.

Meron ding walking distance na mga cafe at bistro (Pan de Cagayan, sosyal sya, pwedeng #instagramable din yung place, maliit lang na shop. Yung food na binili ko: puttanesca pasta at margarheta na pizza, thin crust yun) at parang sa Makati na Banchetto, Luna strEAT yung tawag sa lugar na yun. Dun kami madalas tumambay pag-after 5pm, masasarap ang pagkain dun, lalo na yung Thailand style food stall nila dun. May mga waiter sila kaya malinis din yung lugar na yun, punuan lagi dun, siguro kasi syempre masarap at affordable yung food nila.

Sa St. Paul talaga ang pakay namin dun para mag exam, malaki yung University na yun at very efficient yung mga professors namin, very accomodating sila sa mga estudyente kaya love namin sila. Syempre bago kami umuwi ng Maynila man lang ay kumain muna kami ng mga pansit-pansit nila. Pansit Batil Patung at Pansit Cabagan yung famous dun, na-try namin yun sa Hotel Roma. Sulit kasi masarap yung order namin at syempre presentable. Maraming sahog at mabubusog ka sa sarap. Pwede na ring sharing ang isang serving noon lalo na't kung hindi ka mahilig sa pansit at nag-d-dieta ka. 
----

Doon naman sa 3 araw namin doon, pangalawang beses kong pagpunta; graduation na kasi yun after a month. Nakapasa naman kami lahat ng Batch 11 sa compre exam. Thank God!

Sya nga pala nasa Centro lahat yung mga pinuntahan namin kaya 10php lang yung bayad/ person, so kung ok lang sayo ang lakaran sa initan, makakatipid ka ng bongga.

Unang araw namin ay wala kaming sinayang: 12pm kami nakarating doon at nag lunch lang kami sa malapit na restau saka pumunta ng St. Paul at kinuha ang toga at invitation para sa kinabukasang graduation, after nun, Luna strEAT ulit kami, pinatikman ko kasi yung food sa kapati ko, first time kasi nya sa Tuguegarao.

Sa Hotel Joselina kami nag stay, 1,000php yung room, deluxe na yun, maganda rin yung ambiance nya, tema ng hotel parang makalumang bahay, puro kahoy yung wall decor pero maayos din ang service nila.
After nung graduation namin, tuloy tuloy na gala ulit kami, pumunta kami bahay ng kaibigan namin (di ko matandaan yung place ng nila eh), residente kasi sila doon, mga 15mins na byahe galing sa tinuluyan naming Hotel Joselina. Saka kami pumunta ng Callao Cave, kaso late na rin kami naka-alis since nagchikkahan pa kami sa bahay nila. Alas-singko ang closing time ng cave buti nalang nakahabol kami, mahigit 30-45 mins din ang byahe galing bahay nila, dun nag-shooting yung "The Mistress" syempre #instagrammable yun.

Kinabukasan, sa Piat Church naman kami pumunta, may flight kami ng 3pm so dapat ma-maximize namin yung stay doon, 7am (late na yun) byahe kami papuntang Piat Church, 45 mins yung byahe galing Joselina, saglit lang kami dun, nag pray, nag wish at nag picture, dun din kami bumili at nag pa-bless ng glow in the dark na rosary, pasalubong.

Around 10-11am, sa Light House na kami bumili ng ibang pasalubong: Chicharabao, Carabao candy at iba pang delicacies nila, sayang at wala kaming naiuwi na longganisa kasi wala kaming ref sa apartment. 

Yung travel time pala ng bus station galing centro (Tugue) ay 10 mins, at papuntang airport ay 10-15mins din depende sa traffic. 

Ayun, next time ulit. 

No comments:

Post a Comment

Where my adventures are stored. Youtube Channel: Click here.