Sunday, November 8, 2015

Travel Guide: #WhenInAntipolo


Halos papatak na 3630php yung gastos namin /2 = less than 2000php/each. Pasok sa banga!
Hindi man sumakto yung offset ko sa Birthday ko e ok na yun, buti nalang magka-sabay pa kami ng kapatid kong naka off nung Nov 5. Wala akong plan mag-celebrate, kaso sayang ng araw at tamang-tama naman ay may time kami para makapag-relax.
Dali-dali akong nagsearch kung anong magandang puntahan na malapit lang sa Quezon City. Antipolo ang unang-unang pumasok sa utak ko. "What to do in Antipolo" ang guide ko, turistang-turista lang ang datingan. Walang isip-isip at nag set na ako ng oras ng alis, ng pupuntahan at ng budget namin.
So ito ang naging ruta namin:
1. From MRT Cubao sumakay kaming Van papunta ng Antipolo mismo (buti nalang at may "How to get there" sa google, Haha.) - 50 pesos each yung fare at bumaba sa may Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine, dito din kasi ang terminal nila.

2. Una, syempre dumaan kami sa Shrine para magpasalamat, humingi ng tawad at guidance, at nag-wish, sabi kasi nila, pag-first time mo sa isang church, mag-wish ka. Maganda ang history ng Shrine at ukit nito. Matigas na kahoy daw ang gamit sakanya at lalong tumatagal e lalo syang tumitibay, parang puso. ‪#‎hugot‬. Nagsindi kami ng kandila dun at nag-offer ng mass para saamin special intentionssss.

3. At dahil ‪#‎commuterph‬ kami, kailangan alamin namin ang mga pasikot-sikot sa lugar na yun. So nagtanong kami sa mga authorized na tao, ang next stop kasi namin ay: ‬#CrescentMoonCafe (Tricycle nun, 60 pesos) maganda yung reviews dun, fresh ang luto at may pottery lesson galing mismo sa may-ari. Unfortunately, hindi sila nag-aallow ng walk-in, reserved dapat sila at may time. Tues - Wed merienda 9am-4pm, Thur- Sun lunch 12pm-2pm, so Monday closed sila. Si kuya Ricky yung nag-guide saamin nun, accomodating siya, sayang nga at hindi man lang kami naka-experience dun. Magaganda ang pots na nakadisplay nun, may-ari nun si Lanelle, yun yung naka-ukit na name kasi sa mga pots.
4. So lumipat kami ng place nalang: ‪‬#PintoArtMuseum naman kami (Tricycle: 80pesos, kasi inikot-ikot kami ni Kuya driver, pero unang usapan namin 60pesos lang). Maganda din sa Museum may 180php each na entrance fee. Kulang ang ilang oras nyo lang dun. Pwede ngang from lunch till 5pm dun eh kasi may cafe and restau sila dun, yun nga lang, medyo pricey ang food, masarap yung carbonara na inorder namin, 360pesos ata yun good for sharing na din naman tas nag sandwich pa kami na 150-200pesos ata yun, 3 pcs na dalawahang subo. Hahah. Anyways, ayun, yung mga paintings, sculptures at designs dun well-separated base dun sa motif/theme nun. May sci-fi, may morbid/dark, may mga out-of-this-world (itsurang ET kasi) at syempre abstract talaga. Hindi ako masyadong nakaka-appreciate ng maraming kulay, mas type ko kasi yung plain at minimalist lang, (hindi man halata sa itsura ko pero opo, plain at simple lang). Marami silang gallery, meron silang veranda na mukhang mediterranian style, tas mamaya nasa ibang dimension ka nanaman. Super nakaka-relax, kung sakali ngang wala kaming ibang pupuntahan, magandang mag-muni-muni dun, mag-emote hanggang maibuhos ang lahat ng nararamdaman mo.



5. Sunod naman ay papunta na kami sa main destination namin: Luljetta's Hanging Garden and Spa, Loreland farm yun, galing museum 100php yung bayad namin (malayo at mahal talaga ang tricy, ever). Napaka-amazing ng view sa ‪#‎luljettas. Again, kulang ang isang araw dun. May package kami na kinuha, buti walang masyadong tao, first come first serve kasi sila at by reservation din, naginquire na din kasi ako the night before kung marami sila at kung pwede pa kami maaccomodate. Ang calming ng surrounding nila, lahat ng stations may refreshments (lemon, mint at cucumber water) iwas dehydration din yun. Included sa pack na kinuha namin, 1100php each ay hyrdropool, infinity pool, Dr. Fish spa, jacuzzi at sauna, sa iba pang rates at package may website sila: bienvenidotours.com. May free use of robe at slippers din, syempre bawal dun ang loose shirts, swimsuits talaga dapat at may free crispy suman at juice. Masarap yung servings. Partida din ang mga ‪#‎instagrammable‬ na views. Perfect kung gusto mo ng ‪#‎nofilter‬ na shots, raw footage swak na. 5 hours lang kami dun so 6pm ahon na kami at alis, sobrang nakakabitin kasi parang sa view palang sobrang relaxing na. Picture picture pa kami dun at nakatulog din sa buddha lounge nila.
6. Back to base na kami, 60php yung balik namin ng terminal, tricycle pa rin at Cubao na van ulit yung sinakyan namin another 50php/each yun. Nag dinner kami sa ‪#‎farmers‬ after.
Gusto ko maulit yung Do-it-Yourself Day tour sa ibang lugar naman. Next time mas maaga umalis mas maganda para sulit byahe.‪#‎prebirthdaycelebration‬

No comments:

Post a Comment

Where my adventures are stored. Youtube Channel: Click here.