Limot ko na yung budget namin dito pero rough estimate ay 7000php/each: included na yung hotel, air fare at may mga food vouchers pa sila, 3D2N na yun. Meron silang iba't ibang mode of transaction kaya hindi kami nahirapan makipag-usap sakanila. Ang gastos nalang namin doon ay yung mga personal na chuchu namin, at mga pagkain pa na kung ano-ano. All in all, parang 10,000-11,500php yun. Tama ba?
Via Caticlan kami so medyo malayo pa kami sa island mismo, mag-iisang oras din yung byahe galing sa Airport, arrangement na ng hotel na may magsusundo saamin doon kaya less hassle. Maaga yung byahe namin pero nakarating kami doon lunch time na siguro kasi marami kaming dinaanang pwerto. Nag-enjoy ako sa trip na yun, may mga kasama kami sa bus, family din ata yun at isang grupo, kaya medyo maingay yung bus, yung ingay na hindi nakakabingi kasi tawanan lang sila ng tawanan. Syempre kaming dala nung maaga yung flight e natulog lang ng bongga at nagising nalang kami papa-akyat na ng bangka papunta sa isla mismo. May travel/environmental fee doon, siguro mga 70php yun kada isang tao.
Pagdating namin doon, may nag-yaya saamin sa Astoria hotel, isang agent, babae yun. Libreng lunch daw yun, so since malapit naman yun sa hotel namin, pumayag kami. Libre nga, pero makikinig ka sa lecture at tour nila, inabot kami ng 4 na oras din dun kasama yung lunch. So tama naman at after namin ikutin ang Astoria, e nagmuni muni na kami sa beach, madilim na kasi.
Ang ganda ng sunset sa beach parang pwede ko syang titigan hanggang sa humalo ang mga kulay orange at yellow sa blue at green na tubig. Ang gandang tingnan ng isla ng Boracay, kakaiba naman sya sa paningin ko, at ang sand nya, warm, pwede kang pumagulong-gulong sa sand nito kasi malinis at pino (maghahanap ka nga lang ng spot kasi lahat may tao). Marami ding nakapalibot na activities sa harap ng hotel namin, Station 2 kasi kami, so alam na this. Buong magdamag wala kang hindi pwedeng puntahan kasi puro ito inuman, gimik, at iba pa.
Unang activity namin yung skim boarding, 300 yung isang oras. May nagtuturo naman saamin at nakaka-ilang sigaw din ako dun, nakakaloka at impatient si kuyang natuturo saamin:
Kuya: First time?
Kami: OO, bakit po?
Kuya: Halata, sigaw kayo ng sigaw.
Ako: *Sa isip ko: Loko to ah!* *Inasar ko pa sya.*
Paikot ikot kami doon, Station 1 - Station 2 - Station 1 - Station 2 sa unang gabi namin. Yung mga vouchers namin na libre galing sa Travel Agency inisa-isa na namin, libre na dinner namin doon. Red Coco (?) pizza house yung unang pinuntahan namin kaya drinks nalang yung binayaran namin doon. Tapos nag cocktail pa kami sa isang open bistro. Umupo kami doon, tapos itong si Kris, yung kaibigan ko, napa-kanta, marunong kasi tong kumanta kaya pinilit na namin. Ayun, parami ng parami yung tao.
Nagpa-braid din si Kris ng buhok nya parang 100php ata yun, naki-pagkwentuhan na kami doon, mabait yung nagbraid sakanya, babae yun. May kasama syang banyagang lalaki at Daddy ang tawag nila doon, residente na daw siya doon. Una daw, pabalik-balik daw sya sa Bora kasi nagandahan daw sya sa lugar, tapos ayun, di na bumalik sa bansa nya. Di pa sya sanay mag-salita ng tagalog pero nakaka-intindi naman daw sya. May mga kaibigan na sya doon, at dun daw madalas ang tambayan nya sa spot na yun. Ako, gusto sana mag-pa-henna, iniisip ko, sayang pera, chos lang!
Marami kaming nakitang banyaga doon, mostly nga lang Koreano. Aba! Malaporselana ang mga kulay nila, walang pores kaso wala ding dibdib at konti lang yun may korte ang katawan. Sa isip ko, may lamang parin ako ng konti, mga 20/100 lang.
May mga souvenir shops din doon, mga mura lang din ang mga products nila, 10php may keychain ka na, depende pa sa dami at way mo ng tawad doon, may binili din kaming ref magnet para sa pamilya ko at refs nila.
Doon na din kami nag-hanap ng activity para sa kina-umaga-han, may nakuha kaming deal, more than 2000php ata yun, or 1600php each ata: Parasailing, underwater churva, mura na yun sa mag-hapon naming pakiki-bargain.
Second day namin, ayun, maaga kami pumunta doon sa meet up place, kabila ng Station 2. Kaso medyo madilim ang kalawakan kaya nag-dadalawang isip kaming tumuloy. Pero ayun, sa ngalan ng "fun at enjoyment" pinush namin yun. May guide naman sila doon, ata sinasabi naman nila saamin kung bawal, or hindi na pwede kaming matuloy. Safe naman kami all throughout ng activity namin.
Ayun, ikot ulit kami, naghanap naman kami nung shake house, may voucher pa kasi, doon na kami tumambay naman, Station 1 yun sa may grotto. Sobrang layo sya sa spot namin pero ok lang, ang haba ng stretch ng Boracay pala. Sa layo nitong shake house saamin, mas napansin kong less ang tao, less ang dumi, at mas nag pure yung itsura ng beach at sand. Mas maaliwalas syang tingnan at apakan. Mas kalmado ang tubig kahit yung agos nito at napa-bilis gawa nung hangin.
Hindi naman kami nagswimming ng bongga doon, dinampian lang namin ang kaluluwa namin ng Boracay vibes at hindi kami nabigo. Short hair pa ako noon, at medyo malaki din yung katawan ng kabigan ko, kaya pareho nalang kami nag lipstick ng bongga kasi may nagtatanong, "Couple?". Kaloka diba? Hello.
Masarap mag bakasyon sa lugar na hindi mo kabisado, hindi mo kakilala, ibig sabihin sa puso mo may chance na mag-karoon ka ng self renewal, may chance sa sarili mo e makakilala ka ng ibang tao, open kung baga at malay mo doon mo makita ang forever mo. Yun nga lang, hanggang ngayon, wala pa akong forever.
Until then...
No comments:
Post a Comment