Monday, November 9, 2015

Travel Guide: #WhenInSukhumvit


July 2015 ng na-invite kami for the meeting sa Bangkok. Isa ako sa ma-swerteng inimbitahan para doon, nagmadali akong i-renew ang passport ko kasi pa-expire na sya sa October. Sa DFA Alabang na located sa Metro Gaisano, nagpa-appointment ako para mabilis at walang hassle. Nung araw ng appointment ko, around 8am, dala ko ang 1200php ata na fee para sa rush nito then documents like: old passport at valid ID. Very efficient yung mga staff ng DFA, nag-s-smile sila at mabilis din ang trabaho, organized din sila, so in a span of 30 mins, tapos na ako. And in 10 days, delivered na yung aking passport. I am ready to join the trip!

All expense paid yung trip namin from plane tickets, transfers at hotel. So ang gastos lang talaga namin ay yung mga personal na binili namin. Budget ko P10k, pero siguro mga P3-5k lang nagastos ko. Yung exchange rate noon ay P1.50 = P1.00, kaso $100-200 yung ginamit namin, at hindi ko na matandaan yung conversion nun in Peso sa time na yun.

Travel time: almost 2 hours din yun, maganda yung airport ng Bangkok, pag labas namin, habang nasa byahe, mukha lang pinag-halo halo na Manila, Makati, Pasay puro sila overpass. Ang climate nila dun mainit din kagaya sa atin, at may traffic din, yan din kasi yung comment na nababasa ko online at mga nakarating doon. Yung mukha nila, kamukha lang din natin, di ko nga ma-distinguish kung mga Pinoy o taga-Thailand sila kung hindi sila magsasalita, base yung sa obserbasyon ko.

Mahigit 20-30mins din kami sa byahe galing BKK Airport to Westin Grande Hotel, Sukhumvit. Centro kasi yung hotel na pupuntahan namin, tapat lang yun ng Terminal 21 at iba pang mga prestigious malls, around the area lang din yung platinum, then yung mga tiangge-tiangge nila.

More than my expected accommodation yung stay sa Westin Grande, 5-star hotel kasi yun. Isang deluxe na kwarto kada participant, so 4 kami sa opisina at may hahabol na isa pa. Sobrang ganda ng room, may office table, may coffee table at flatscreen, ang ganda din ng CR at ang amenities nila, bongga din. Para saakin na jologs, sobrang kakaibang experience naman yung kinainan namin na buffet breakfast, iba't ibang klase yung food nila doon; japanese, pasta, bread, desserts, fresh fruits, fresh everything. Nakaka-takam lang lahat ng food nila. Heaven ang feeling ko for the whole stay during breakfast time. Halos apat na araw din yun, kaya pati supplies ng CR kumuha ako, sorry, Pinoy na Pinoy kasi. Mas sumaya pa ako kasi super bango din ng hotel na yun. Lahat ata ng sulok doon may scent.


For more details: Top Ten Shopping Malls in Sukhumvit

Wala kaming sinayang na oras doon, may tour guide din kami, yung Boss ko, madalas na kasi syang nandito kaya alam nya na yung mga magagandang punthan. Kaya pumunta agad kami sa Emporium Shopping Center, mga bulk items yung doon, mga dapat bibili ka ng 10, ganun, para mas makakamura ka. Via taxi kami, pumatak ng 80 baht yung isang ride kasi traffic, mga 20 mins galing Hotel din yung byahe. Binaba kami sa may kalye lang din, naglakad pa kami, parang Pinas lang, Maynila to be exact, mabaho yung imbornal nila at may mga bystanders din, madumi nga yung paligid bago kami umabot ng mall. Yung Platinum mall naman, parang divisoria ng Pilipinas, walking distance lang sya galing Emporium mura yung mga damit, kaso yung mga nabili ko, halos kasing price lang o mas mahal pa kesa sa Pinas, naka-aircon din yung mga malls nila. After kumain kami sa 5th floor ng Platinum, nagsilbi rin itong tagpuan namin incase mag kawalaan at maghiwa-hiwalay kami. Ang mga kinain ko yung hindi nakakain sa Pinas, mga noodles noodles na lasang Thai, syempre, eat like a local daw. Ang galing ng payment nila, parang debit lang, bibili ka ng 200 baht na card loadable yun then yun yung isswipe nila sa kada stalls nila, kung sakaling may sukli, at ayaw mo ng gamitin, pwede mo ng irefund sa ibang cashier station naman. Nakauwi kami via Tuk-tuk, syempre sinubukan namin yun, 60-70 baht ata yung isang ride. Gabi na kasi kaya medyo mahal. Umuwi kami ng puro plastic yung dala namin, Divisoria feels at Thailand.


Hindi pa natatapos ang araw saamin noon at pagkatapos namin ilapag ang mga pinamili namin ay nag BTS kami papunta ng Asiatique, nasa tapat lang kasi nung hotel yung BTS, or MRT saatin, dalawang sakay yun, pero para connecting din, malinis at maluwag yung bullet nila at maayos pang tingnan, well-maintained, yung mga pasahero, hala puro iPhone user, nung time na yun, teenagers at students yung kasabay namin. Yung papunta sa Asiatique, pwede via Taxi at BTS-boat ride, pinili namin yung may boat ride, para maiba naman. Mga 10 mins na byahe galing BTS-boat ride-Asiatique. yung lugar na yun floating market na tinatawag kasi nasa river sya mismo, malaking lugar ng kainan, bars at #instagrammables. Around 11pm na kami nagdecide umuwi, nag-enjoy kami ng bongga doon, pero antok na sila, ako buhay na buhay pa. Ang diwa ko kasi, sobrang saya dahil sa panibagong experience. Wag dapat sayangin.



Second day namin, umikot kami sa mga Templo. Wat ang tawag doon, Wat Pho, Wat Arun, at yung isa pang di ko na patandaan yung place, ang ganda ng mga lugar na iyon, inikot namin yung mga yun kahit sobrang init. Yung Wat Pho, may bayad dun, 50 baht at 20 baht deposit/rent para sa sarong, bawal doon ang nakashort or sleeveless, sagrado kasi kaya nagpapa-rent sila nun. Simula nun, gusto ko ng bumili ng sarong na ganun, ang ganda lang sa katawan ko. Nasa listahan ko na sya ng what to bring back home. Ang ganda ng designs nila, parang mga basag basag na sosyal na plato yung mga ginamit sa kada structure, gusto ko ang kulay, simple lang at hindi masakit sa mata. Yung ibang temple, moss green, yung iba naman, red at gold at yung iba, gold at white. Yung mga buddha naman nila may mga history syempre, nagbigay sila noon ng leaflet para mabasa namin. Sa Wat Arun, mga 7 mins galing sa Wat Pho, may bayad din, 60 baht ata yun, may libreng bote ng tubig, pamatid uhaw, dun yung nakapwesto si lying buddha. Yung last namin na Templo, hindi na kami nakapasok, sobrang daming tao at kakapusin kami sa oras kung nakipag-siksikan pa kami sakanila. Sa lahat ng templo na pinuntahan namin, isa sa mga wish ko, unti-unting natutupad. Yung iba, alam kong, nasa process pa yun at mag-aantay ako ng tamang panahon.

Kinagabihan, nagpa-massage kami sa ibaba ng Hotel, sabi kasi ng Boss namin, dapat matry namin ang massage ng Thailand, specialty daw nila yung foot reflexology, nakaka-relax. Gusto ko sana matulog nun kasi yun naman yung nagagawa ko parati, kaso since katabi ko kwento ng kwento, ayun, natapos yung relaxing na massage ng gising ako, bagong ligo kami nun bago kami nagpa-hilot kaya ang sarap ng tulog namin.

Sa third day namin, meeting na kami, isang buong araw din yun ng protocol discussion ng isang upcoming na clinical trial. Sobrang innovative talaga natin, sobrang technological at futuristic. Yan lang ang masasabi ko sa mga Clinical Trials.

Pang apat na araw namin, meeting ulit, pero buti na nga lang at half-day lang, continuation lang ng kahapon namin na topic, naging speaker noon isang Doctor sa pinagttrabahuhan ko, matatalino sila at very knowledgeable, talagang alam nila ang topic na dini-discuss, kung may kailangan i-clarify, agad-agad ang response nila.


After nung meeting namin, umalis ulit kami, bumalik kami sa Platinum at Emporium para ipagpatuloy ang pamimili, pasalubong at iba pa, last stop namin yung Terminal 21, nasa tapat lang naman ng Hotel.

Nung patapos na yung araw, nagdecide kaming pumunta na isang shopping street, hindi ko maalala yung lugar na yun kaya nag Waze kami via taxi kami, apat kami sa taxi kasi hindi na sumama yung Boss namin. Sa lugar na yun para naman syang Baclaran, nasa stalls lang sila, hanay-hanay, mas makakatawad ka kaya dapat magaling kang makipag-bargain. Nakabili ako ng T-shirts ng kapatid ko, maganda kasi yung tela nila, pati na rin yung pinaka-aasam ko na sarong. Thank goodness!

Ayun, one to sawa kami sa mga lakarin, kumain sa kung saan at makakita ng kung ano-anong tanawin. Sarap bumyahe, sarap maka-experience ng bago.

Ayun, sa susunod ulit.

No comments:

Post a Comment

Where my adventures are stored. Youtube Channel: Click here.