March ata this year (2015) when we went to #WheninCalaguas. Nasa kasagsagan to ng akin "monthly out-of-town or staycation (overnight sa hotel)". Natatandaan ko, it was a weekend. Usually Friday ang alis namin then ang balik ko nito sa Monday early morning or Sunday night kasi may duty sa Monday. Oh diba? Sa ngalan ni Marra-Marabas, kinaya ko.
Anyways, Friday night to, tandang tanda ko pa kasi muntik na akong hindi makasama, around 8pm yung byahe pero 7:30pm ako nakalabas ng office, gusto ko sana umuwi nun at maligo, magpalit ng outfit pero kulang sa oras kaya scrubsuit nalang yung gamit ko, without change... Ofcourse nag-super hygiene naman ako sa Jollibee restau bago sumakay ng bus.
Five kaming magkakasama, si Mac at yung Gf nyang si Jed, si Papa Ding, ako at si Abby. Si Mac at Papa Ding lang ang kilala ko, si Jed at Abby, dito ko nalang naging kakilala.
Budget: less than 5k, balikan na from Alabang-Bicol at may package deal pa.
P750 ang fare ata nun papunta ng Virac, Catanduanes tsaka 7 hours mahigit na byahe. Sulit naman. Maaga pa kami sa call time/meet up, around 4:30am ng Saturday nakarating kami sa terminal ng province then Jollibee 24/7 (tricy from terminal: P10) na kami tumambay para magpaumaga. At 7 am, may sumundo saamin na jeep papunta ng daungan ng motor boat. It was a long ride from Manila tapos nakakabagot yung byahe, yung tipong nayaya lang ako without even research kung anong meron sa Calaguas... But then Mac, our friend told us it was worth every minute. Then we believed.
Super late na, akala nga namin walang katapusan yung pag aantay hanggang sa may lumapit na isang motor boat at sinakay ang mga gamit namin, doon kami naniwala na totoo pala yun.
Dalawang oras din mahigit yung byahe namin simula daungan hanggang island, at totoo nga si Mc! ISA ITONG PARAISO. Parang nasa ibang dimensyon yung lugar, walang wala ito sa Boracay. Kung gusto nyo ng calm and environment friendly na beach, HINDING HINDI KAYO MAGKAKAMALING PUMUNTA DITO.
Mainit: given na yun. Open-air, walang mga puno-puno sa lugar na dinaungan namin, puro tent at kubo lang. Merong konting shades ng puno, pero yung malalaking branches, wal. Mapino at maputi ang bunganin na parang pwedeng gawin pang scrub sa katawan, ang tubig, oh... Ang tubig para kang nasa aquarium sa linis, green para sa medyo malalim at blue naman para sa sobrang lalim, sa may beach front, puting puti. Puro puri ang sigaw ng puso ko nung nakita ko ang lugar na yun. Habang papalapit kami, nakita ko ang tao, konti lang din, "Ah, kaya pala malinis pa kasi konti ang tao." Meron daw na naglilinis talaga sa area na yun, sana ganito lahat ng beach. Kung soul search ang hanap mo, malamang, sobrang matutukoy mo ang pakay mo dito.

Lunch na kami dumating dun, hinanda na ni Ate yung food, ang sarap, naubos namin lahat. Pang province talaga ang food namin dun. Then saka kami ng island hop. Sobrang ganda nung beach at islets na pinuntahan namin, halos lahat e napa"wow" ako. Ofcourse, alam naman nyo na medyo mababaw akong tao pero ibang klase to. After nun, sa beach na kami nag-watch ng sunset. Aba parang nasa pelikula lang kami. Yung klase ng mga artista dun na sobrang emote, yung tipong kahit titigan mo lang yung ulap, sun na nagseset at yung beach, omg! Ang engrande. Tapos nun, kumain ulit kami, masarap yung food na nakaprepare na as usual.
Napansin naming nagsisi-ilawan na yung kubo, nagcharge kami syempre para sa kinabukasan, mag-ga-gabi na kasi... Nag-guitarahan, nagbon-fire na parang nasa camping lang. Nakatulog nga kami sa may bonfire kasi sa sobrang kalmado ng lugar na yun feeling mo super safe ka sa lahat ng sulok. Naginuman sila ng konti at nagkantahan din. Hindi namin nawitness yung napakalaking moon na sinasabi ni Mc, pero sobrang ganda ng pag-takip silim nya hanggang sa nagpakita na yung bwan.
Usapan namin around 5am lalabas na kami para sa bundok-tour, kaso 5:30am na kami nag-sibangon. Haaay! Ganda ng gabi, kasing ganda ng bukang liwayway. Naghahalo na ang kulay light violet at orange habang papa-akyat na yung sun, napakagandang i-witness yun sana kaso naglalakad na kami sa likod ng beach, aakyat na kasi kami ng bundok.
Naka-pantulog lang kami nung mga oras na yun, naglagay lang ako ng sarong para hindi ako lamigin. Napakaganda ng stretch ng Calaguas. Napakarami naming kasabay na turista din doon pag-akyat. Pareho kami ng nararamdaman, amaze na amaze kami sa lugar. Galing lang ng nature natin!
After nun, nagbreakfast na kami, jusko lord, ang sarap din ng food namin. Basta busog na busog kami sa mga kinain namin. Bago kami nagprepare umuwi ay nagkayak muna kami, inikot namin yung buong stretch. Lakad-kayak-lakad. Dalawang set kasi kami, salit-salitan sa kayak at lakad. Pero sa kabilang side ng beach, lakad nalang ako, kasabay ko si Jed. Tapos yung tatlo, si Mc, papa Ding, then Abby, ayun, nasa kayak, nag-eenjoy. Ang init pa naman. Tapos nakipag-videoke pa kami sa katabi namin na kubo, mga residente ata sila dun, nakarami din kaming kanta nun. Hahaha. Sigaw sigaw, kanta kanta, hanggang sa ayun, naguwian na kami.
Nagexpect naman ako na mag-eenjoy ako dun, sino ba naman ang hindi? Pero hindi ko masyado inexpect yung ganung set-up. Basta lang naman kasi ako sumama, haha. Sabi naman kasi: All-in na, edi di na ako nagprepare ng bongga.
Sa Centro na kami naglunch, hapon na din kasi yun, masarap din yung kinainan namin na restau, tapos kung saan saan pa kami ng stop over para magpapicture. Gabi na kami bu-myahe (P750) so madaling araw na rin kami nakarating sa Alabang. After ilang oras, ayun, trabaho ulit.
Baon lang namin ay great memories kasi hindi kami bumili ng super daming souveniers. Goodvibes yung araw ko kahit pagod ako sa weekend getaway. Swerte ko!
Sana mamaintain nila ang lugar na yun kahit marami ang bumisita. Treasure yung ng Pilipinas. Maipagmamalaki ko yun. Taga-Bicol ako eh. #onlyinbikol #onlyinthephilippines