Dito nagsimula ang kagustuhan kong umalis ng umalis, lumipad kahit saan. Gusto ko ng ibang lugar at ibang tanawin at kakaibang experience.
Sa panahon na ito hindi pa uso ang instagram at ang hashtag. Friendster days at usona rin ang Facebook, 200+ na photo upload sa isang album, kahit sabihin mong pare-pareho ang anggulo, iupload pa namin ito.
---
Isang matinding #throwback ito kasi hindi ko na masyadong matandaan ang ibang detail.
Budget namin dito (estimate): 15,000-20,000php/each (Salamat sa mga naging sponsors namin dito)
Plane: Cebu Pacific (Meron kasing promo ito, 899php ata ang base fare nito)
Hotel: Walang hotel, dun ko din na-experience ang sinasabi nilang backpacker. (Nag-stay lang kami sa apartment ng kaibigan ng Tita namin, although may 35$HK/each/night for 2 nights)


Maganda yung climate nila doon, sobrang lamig na tipong pag hinga at pagbuga mo ay may usok na lalabas sa bibig mo lalo na pag-ka-umaga at mag-gagabi na. Buti nalang nagresearch tong pinsan ko ng mga "What to wear in HK" para naman akma kami sa lugar na yun. Hindi pa saakin uso ang #OOTD noon, so ang dala ko lang 3 t-shirts, 1 jacket, 1 pants, 1 pair na pantulog, undies at 1 shoes na hiniram ko pa sa Tita ko, btw, nabanggit ko ba sainyo sa jologs ako? :)
Unang stop namin doon ay Disneyland, syempre nag-tanong-tanong kami ng direction, naghanap din kami ng map papunta dun. Ang saya lang kasi para kaming lagalag doon, kung ano-ano ang mga napupuna namin, papunta don sa Disneyland. Yung mga uso ngayon na toothpaste dispenser na nakikita sa Japan Homes, nasa bangketa lang yun ng HK, yung Mcdo dun kulang yung sauce at dry yung patty at kung ano-ano pa. Bago kami sumakay ng bullet amaze na amaze kami sa ticket (lalo na ako kasi di pa ako sanay sumakay ng MTR nila, nor MRT dito, promdi ako eh).


ong-tanong ulit, buti nalang may pantawag din kami sa kaibigan ng tita namin at muntik na kaming mawala, gabi na din kasi nun, ang bus at ang daan ay magkakamukha.
Sunod namin na pinuntahan yung Ocean park. Ayun maganda ang kwento ko dun, kasi dun nasukat yung lukso ng dugo, trust at fears namin. Ayun, ride-ride at ride. Masarap din yung snacks nila dun, nagsandwich lang kami then yung spicy and not so spicy squid strips, gustong gusto namin yun. Sayang nga lang hindi kami nakabili ng ka-lasa nya talaga sa mga local stores nila sa labas.
Ito na yung matinding experience sa Ocean park: Si NJ at Nikki may fear sa heights, kami ni Wrenzo wala at sabay din kaming nag-eenjoy sa mala-higanteng roller coaster rides doon. So in order na maging fair, kami lang ni Wrenz yung nag ride, sila ang usapan namin mag-aantay sila sa baba. So ayun, medyo matagal nun yung pila, sobrang haba kasi at dami ng tao. SOBRANG MAKALAGLAG KALULUWA YUNG LONGEST ROLLER COASTER RIDE NA YUN. Sila NJ at Nikki naman, pag-kababa namin ay nawawala. Walang pasabi, walang communication at walang kung ano pa man. Hanap kami ng hanap, hindi pa naman kami nag usap-usap kung saan kami mag-mmeet in case na naghiwa-hiwalay kami. Gusto na namin mag-patulong sa police noon, nagtatanong na nga kami sa mga tao dun,"Have you seen a boy and a girl wearing this and that...?" mga ganun. Kaso hindi nila kami naiintindihan, natutuliro na kami kung saan namin sila hahanapin, napakalaking lugar ng Ocean park, hanggang sa may nakita ako, lukso ng dugo, ayun! Lintik na mga to, naglalaro, wala silang paki-alam saamin eh. Hayun nanalo sila ng napakalaking stuff toy at mga memorabilia. Juskolord thank you!

---
Limot ko na yung Train Station na binabaan namin at yung lugar na yun pero doon kami bumili ng mga perfume at kung ano-ano pang personal na churva. May experience nanaman ako dito, kasama ko si Wrenz. Nagtanong ako nung jelly belt (100php lang yun sa Baclaran, kaya naisipan kong magtanong),"How much is this jelly belt?". May sinabi syang price pero katumbas ng 600php saatin yun, sabi ko Thank you sabay lakad. "How much you want? You ask for price, how much you want? I give you this, you ask for price?" Hala si Ate, pinipilit ako. Nanlamig ako noon, kasi nasa ibang place ako eh, baka kung anong mangyari saakin dahil sa jelly belt na yan. Sabi ko lang di ako bibili, buti nalang may isang taong nag-cut ng conversation namin before it got worse. OMG! Hindi na ako bumalik sa area na yun.
Tapos noon, nag-hiwalay ulit kami nila NJ at Nikki at kami naman ni Wrenz. Kaming dalawa ni Wrenz may similarities, kumain kami ng kumain, bumili kami sa Gongcha, wala pa kaming nakikitang Gongcha sa Pinas nung time na yun kaya nag enjoy kami ng husto sa kung ano mang kinain namin. Mag past-7 or 8 pm na ata nun, sabi namin sa may entrance ng MTR lang namin makikita. Hala, nawala pa rin kami, buti nalang may 300php ako na load last choice ko na yun, hindi ko nagamit yung load dati kasi hindi ako nakapag-isip ng matino. Hindi yun naka-roaming pero pinantawag ko na kasi sobrang tao din doon. Ay sus, ayun sila nasa may kanto kumakain din ng cake naka upo na parang pulubi. May mga binili na silang pasalubong, keychains, halos kumpleto na sila, kami ni Wrenz naubos pera namin sa pag-kain.
Natatawa nalang ako sa experience namin. Kinaumagahan dun nalang kami nag ikot ikot sa mall kung saan malapit ang Airport. Hindi na kami nag-hiwa-hiwalay nun.
*Sorry naman at hindi ko na sila maalala yung mga exact na lugar, exact ng pamasahe.
Sasusunod ulit.